Thursday, September 21, 2017

Hating-gabi

Bago mag-umaga
Habang ang mundo'y nakapikit
Dumito ka muna
At magkubli
Bilang munting liwanag
Sa aking gabi

Ilan pang sandali
Magpapaalam ka na
At muli
Ilang magpakailanman
Ang bibilangin
Bago ang hating-gabi

Dumito ka muna
Ilan pang sandali
Manatili
Bago sugatan
Ng walang hanggang liwanag
Ang ating gabi